Di ko alam kung bakit ako gumawa ng account dito siguro dahil sa sobrang kalungkutan di ko nga alam kung ano ba gusto kung isulat parang walang matino laman ang utak ko ngayon. Puro umpisa lang di ko alam kung paano tatapusin. Parang ang bigat ng loob ko parang sasabog sa sobrang sakit, gusto kong makalimot kahit saglit. Pinilit kong matulog pero nagising din ako agad akala ko panaginip lang lahat ng pag iyak ko pero mali ako dahil kahit anong pilit ko na paniwalain ang sarili ko na panaginip lang lahat totoo pala ang sakit na nararamdaman ko. Ngayong araw na to parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Bakit ngayon pa kung kelan nasa malayo ako mag isa walang kahit sino sa tabi ko para batukan ako nang magising na ako ng tuluyan sa mga katangahan ko. Mahirap pero kakayanin ko dahil kailangan kayanin. Masakit pero pipilitin kong maging matatag para sa mga nagmamahal sakin. Pero sa ngayon iiyak muna ako hanggat maubos lahat ng luha ko para sa kanya. Itutulog ko muna ang sakit para pansamantalang mawala man lang. Simula ngayon si God na bahala sa puso ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



No comments:
Post a Comment